FREE EBOOKS

Business Tips: Dagdag Kaalaman sa Negosyo

Nais mo bang magnegosyo?

Hindi basta-basta ang pagpasok sa isang negosyo dahil maraming bagay ang dapat isaalang-alang. Unang-una na rito ang kakayahang kumilala at gumamit ng business opportunities. Ang kakayahang ito ay nakasalalay, unang-una, sa pagkilala mo sa iyong sarili taglay mo ang mga katangian ng isang entrepenor.

Kung oo and sagot mo sa mga sumusonod na katanugnan, taglay mo nga ang mga katangian ng isang tunay na entrepenor:

• Nakakakita ka ba ng di-pangkaraniwang oportunidad upang magkaroon ng puhunan, kagamitan, o pwesto?
• Handa ka bang makipagsapalaran at hindi ka baa gad sumusuko sa mga kabiguan?
• Nagsusumikap ka bang masiyahan ang kliyente mo sa pamamagitan ng pagtupad ng mga pangako mo sa kanila?
• Nagsisikap ka bang lagging mapaigi ang iyong gawa o serbisyo?
• Nakagagawa ka ba ng malinaw na short- at long-term planning?
• Kaya mo bang mangalap ng mga impormasyon tungkol sa iyong mga kliyente, supplier, at kakumpetensya?
• Kaya mo bang manghikayat ng ibang tao at malawak ba ang iyong koneksyon?
• May tiwala ka ba sa sarili mong kakayahan?

Pagtukoy sa lugar ng negosyo

Mahalaga ang lugar na pagtatayuan ng negosyo para masigurong kikita ito, kaya dapat ay piling-pili ito.

Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng lugar:

• Mga raw materials – madali bang makukuha ang mga pangunahing materyales para sa iyong negosyo sa lugar na iyong pagtatayuan?
• Lagay ng kalakalan o merkado – malapit ba ito o malayo sa mga inaasahan mong mga mamimili o target market?
• Transportasyon – pag-aralan ang gastos sa pagkuha o pag-deliver ng mga materyales at produkto. Tingnan kung mayroong sapat na transportasyong pampubliko para sa mga empleyado at mga customer.
• Tauhan – makakukuha ka ban g mga tauhan sa lugar na pipiliin? May karanasan ba sila sa uri ng trabahong kailangan? Kailangan ba nilang bumiyahe malayo?
• Mga pangunahing pailidad – mayroon bang elektrisidad at tubig? Maaasahan at ligtas ba ang mga ito? Sapat ba ang supply?
• Komunidad – wala bang mga kokontra sa itatayo mong negosyo sa lugar na ito?
• Ang mismong pagpupuwestuhan – kung lote and iyong kailangan, sapat ba ang laki nito? Sa magkanong halaga? Kailangan pa bang ayusin o pagandahin? Kung sa loob ng isang building ang puwesto, ano ang mga kailangan sa kuryente, air conditioning at parking? Gaano katagal ang kontrata? Maganda ba ang mga patakaran sa pagpapaupa? Magkano ang gagastusin mo upang maayos ang lugar?

Mga ahensyang dapat puntahan sa pagrerehistro ng negosyo
Kailangang mairrehistro ang isang bagong negosyo sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno

• Ang Department of Trade and Industry o DTI ang siyang namamahala sa pagtatala ng mga business name o pangalan ng mga negosyo upang makatiyak na walang ibang gumagamit ng napiling pangalan sa buong Pilipinas.
• Ang Securities and Exchange Commission o SEC ang ahensyang nagbibigay sa mga negosyo o kumpanya ng legal na personalidad. Tanging mga partnership at korporasyon ang kailangan magprehistro sa SEC.
• Ang Social Securities System o SS Sang dapat puntahan ng isang entreprenor na kukuha ng mga empleyado o kokontrata ng serbisyo sa anumang negosyo, kalakalan, o industriya.
• Ang Cooperative Development Authority o CDA ang dapat punthan sa pagpaparehistro ng mga kooperatiba.
• Ang Bureau of Internal Revenue o BIR ang nagrerehistro sa lahat ng uri ng negosyo upang makabayad ng tamang buwis sa gobyerno and mga negosyante.
• Ang Department of Labor and Employment o DOLE ang nagrerehistro sa mga negosyo na may lima o higit pang bilang ng mga empleyado. Ito ang ahensya ng gobyerno na tumitiyak sa pagsunod sa mga labor laws. Sa mga kumpanya na may 50 o mahigit pang mangagawa, ang pagpaparehistro ay isang batas na di maaring suwayin.
• Ang Lokal na Pamahalaan o LGU ang nag-iisyu ng mayor’s permit o municipal license upang makapagpatayo ng negosyo.

Gusto mo bang maging supplier ng pamahalaan?

Kung nagnanais kang maging supplier ng pamahalaan, narito ang mga produckto at serbisyo na maaari mong gawing negosyo:

• Mga gamut at gamit na pang-medesina;
• Mga gamit sa knostruksyon;
• Mga furniture at gamit pang-opisina, pang-eskwela, at laboratoryo; at
• Mga serbisyong pang-dyanitoryal, seguridad, pagmimintine ng gusali, at pangongolekta ng basura.

Ang kasalukuyang umiiral na batas sa pagbili ng mga pangangailangang produkto at serbisyo ng pamahalaan ay naayon sa Republic Act (R.A.) 9184 o kilala bilang “Government Procurement Reform Act.” Ito ay naayon sa pangako ng pamahalaan na maisaayos ang mabuting pamamahala at ang pagsisikap nito na maitaguyod ang prinsipyo ng transparency, pananagutan, pagkakapantay-pantay, efficiency, at pagtitipid sa proseso ng pamimili.

Lahat ng pamimili ay kailangang dumaan sa competitive bidding, maliban sa ibang pamamaraan ng pamimili na nakapaloob sa Rule XVI ng implementing rules and regulations o IRR ng R.A. 9184. Magsumite lamang ng mga dokumento gamit ang forms na galling sa Bids and Award Committee o B.A.C. ng ahensya na nangangailangan ng mga supply.

dti-tiic/dti12
Last Updated ( Monday, 13 March 2006 )

No comments:

puzzle

TRIANGLE