FREE EBOOKS

Gusto ko lang po maglabas ng personal na opinion regarding sa issue ni Rosanna Roces at ni Cristy Fermin. From PEP.com Headline sa isang tabloid ngayong araw, February 19, ang balitang hinuli diumano ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aktres na si Rosanna Roces. Ito ay nakasulat sa kolum ng batikang entertaimment columnist na si Cristy Fermin, ang "Most Wanted," sa Bulgar. Ayon kay Cristy, kasama raw ni Rosanna ang ilang kaibigan nang mahuli ng mga operatiba dahil sa “paulit-ulit nang report na nakararating sa kanilang opisina tungkol sa pagdodroga ng magaling pa namang aktres.” Dagdag pang impormasyon ng impormante ni Cristy, kasalukuyan daw nakakulong si Osang at mga kasama nito, at “no bail recommended” sa kanila. Ito naman ang sagot ni Cristy Feemin ( GMA news) Depensa naman ni Fermin, isang linggo na raw niyang hawak ang impormasyon at hiningan niya ng pahayag si Rossana sa isyu pero hindi raw ito sumasagot ang sa kaniyang mga tawag at text. -- FRJ, GMA news HIndi ba ito nagpapakita lang isang irresponsableng pamamahayag? Kung isang linggo na na hawak niya ang information, bakit hindi siya nagtanong sa PDEA tulad ng ginawa ng PEP.com? tumawag sila sa PDEA para iconfirm kung tama ang balita at naconfirm na hindi tutuo! Minsan mahirap mapagkatiwalaan ang mga ganitong klaseng writer/reporter. TSK TSK TSK. Wala po akong personal na attachment kina Rosanna at Cristy. Personal na opinion lang

puzzle

TRIANGLE